Paraan sa Ash Wednesday ipapatak na sa ulo ‘di na ipapahid sa noo

Upang maiwasan ang physical contact na maaaring maging sanhi ng pagkahawa sa coronavirus disease 2019 (COVID-2019) ay babaguhin ng ilang simbahang Katolika ang paraan ng paglalagay ng abo sa mananampalataya sa paggunita ng Ash Wednesday sa Pebrero 26.

Ayon kay Caloocan Bishop Virgilio David, hindi na ipapahid sa noo kundi ipapatak na lamang ng pari ang abo sa ulo ng mga mananampalataya.

Hindi naman umano ikakansela ang misa kundi gagawa na lamang hakbangin ng pag-iingat.

Kamakailan ay kinansela ng mga simbahan sa Hong Kong at Singapore ang pagdaraos ng misa upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Si David ang vice president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Please follow and like us:

2 thoughts on “Paraan sa Ash Wednesday ipapatak na sa ulo ‘di na ipapahid sa noo”

  1. I was suggested this blog by my cousin. I’m not sure whether this post is
    written by him as no one else know such detailed about my problem.
    You are amazing! Thanks!

Leave a Comment

Your email address will not be published.