Espenido ‘di pa inaabswelto ni DILG Sec. Año sa narco cops

Hindi pa umano niya inaabswelto ang pangalan ni PLt. Col. Jovie Espenido na kasama umano sa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año.

Kabilang si Espenido sa 357 na umano’y narco-cops na ipinatawag ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Archie Francisco Gamboa sa Kampo Crame na sumasailalim ngayon sa adjudication process.

Nais ni Secretary Año na magkaroon ng quick validation ang PNP sa mga sangkot sa narcolist upang matukoy na kung sino ang guilty at hindi.

Ganunpaman ay tiniyak nito na sa loob ng isang buwan matatapos na ang validation process.

Sinabi ni Año na ang record ni Espenido laban sa illegal drugs ay ang pagsilbi nito ng warrant sa Ozamiz City noong 2017.

Ito umano ang naging factor sa validation at adjudication process.

Habang ang performance naman nito ang maaaring naging basehan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya nasabi na malinis ito.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *