Pinoy na positibo sa COVID-19 sa cruise ship sa Japan dumami

Nasa 27 na ang Pinoy na sakay ng isang cruise ship sa Japan ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) makaraang madagdagan ng 16 pa ang listahan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Lunes.

“The Department of Foreign Affairs, through the Philippine Embassy in Tokyo, reports that as of 16 February 2020, the number of Filipinos on board who have tested positive for COVID-19 is at 27,” nakasaad sa statement.

Lulan ng cruise ship na Diamond Princess ang 538 Pinoy, 531 sa kanila ay crew member at pito ang bisitang pasahero.

“The Japanese Health Ministry announced that all crew and passengers on board will be tested beginning today, February 17, so that test results will be available by the time the ship’s quarantine period ends,” dagdag ng DFA sa kanilang pahayag.

Papunta sana sa Yokohama ang Diamond Princess pero ng isinailalim sa quarantine ang mga sakay nito ay natuklasan na isa sa mga pasaherong galing sa barko ang positibo sa COVID-19.

Inihayag naman ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na naghahanap na ang departamento ng quarantine facility na pagdadalhan sa mga Pinoy sa cruise ship kapag pinayagan na silang makauwi.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *