NBI umeksena na sa ‘pastillas scheme’ probe sa BI

Nakialam na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon hinggil sa nabuko na “pastillas scheme” na kinasasangkutan umano ng ilang personnel ng Bureau of Immigration (BI) na tumatanggap umano ng suhol kapalit ng pag-escort sa Chinese Philippine Offshore Gaming Operator o POGO workers.

Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, nakatakda silang maglabas ng update hinggil sa ginagawang imbestigasyon ng NBI.

Suportado rin ng DOJ ang imbestigasyon ng tanggapan ni BI Commissioner Jaime Morente laban sa sindikato.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *