2 pulis Makati na nagbitbit ng transgender sa presinto, inalis na sa puwesto

Inalis na sa pwesto ang dalawang pulis sa Makati City Police Station matapos na makuhaan ng video na iniimbitahan ng mga ito sa presinto ang isang transgendered woman.

Hindi umano naipaliwanag ng mabuti ng dalawang pulis kung bakit nila hinarang at dinala sa presinto si Anne Pelos, transgendered woman noong Valentine’s Day, ayon kay Makati City Police Chief, Police Colonel Rogelio Simon.

Ayon pa kay Simon, naglalakad lamang si Pelos kasama ang mga kaibigan ng harangin ng dalawang pulis.

Ang dalawang pulis ay isasailalim sa Retraining at Gender Sensitivity Workshop.

Kasabay nito ay pinabulaanan ni Simon na mayroong Oplan ‘X-MEN’ sa Makati na ang target ay mga miyembro ng LGBTQ Community.

Nagkaroon lang umano ng hindi pagkakaunawaan dahil “Oplan Magdalena” umano ang kanilang program na ang layunin ay sagipin ang mga kababaihan pati na miyembro ng LGBTQ sa prostitusyon.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *