15 anyos ibinidyo habang binubugbog ng 3 menor de edad

Bugbug-sarado ang isang 15 anyos na dalagita ng pagsasapakin, suntukin at sabunutan ito ng tatlong kapwa menor de edad na kababaihan at binidyo pa ang panggugulpi sa Taguig City.

Sa video mula sa cellphone ay makikita ang biktima na pinagtutulungang gulpihin ng tatlong kabataang babae.

Narinig sa video na inutusan ng kumukuha ang mga kasama gumugulpi na iuntog ang kawawang biktima.

Kitang-kita rin sa video ang walang kalaban-laban na biktima na walang magawa kundi tanggapin ang lahat ng sapak, suntok at sabunot sa kanya.

Sa salaysay ng biktima ay bigla na lang umano siyang kinompronta at binugbog ng grupo.

Ipina-blotter ng biktima at kanyang mga kasamahan ang pangyayari, ngunit ang nasabing mga kasamahan naman ang tinarget ng grupo.

Sa sumbong ng mga biktima at kanilang mga magulang, nagsama pa umano ang grupo ng dalawang bakla na siyang nanguna sa pambubugbog.

Nababahala na ang mga magulang ng mga biktima sa kaligtasan ng kanilang anak.

Isinumbong din ng mga biktima na ninakaw umano ng mga suspek ang kanilang cellphone matapos ang pambubugbog.

Please follow and like us:

1 thought on “15 anyos ibinidyo habang binubugbog ng 3 menor de edad”

Leave a Comment

Your email address will not be published.