Pinoy na PUI pumanaw na, ngunit ‘di dahil sa COVID-19

Inihayag ng Department of Health (DOH) ngayon na isa pang “patient under investigation” (PUI) ang namatay habang naka-confine sa ospital, subalit negatibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang nasawi ay isang 71 anyos na Filipino, nagmula sa Region 1 at na-confine sa La Union.

Ihinanay sa PUI ang pasyente dahil may sintomas ito tulad ng ubo at bumiyahe rin ito sa Taiwan noong Enero 24 at umuwi noong Enero 31, ngunit may ubo na ito simula pa noong Enero 20.

Nasawi ang lalaki noong Pebrero 12 dahil sa community-acquired pneumonia, acute myocardial infarction o heart attack at chronic obstructive pulmonary disease.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *