Pagbawi sa travel ban sa OFWs sa Taiwan ipinupursige ng DOLE

Aminado si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na nababahala siya sa epekto ng travel ban sa Overseas Filipino Workers (OFW) na patungong bansa sa Taiwan.

Katunayan ay hiniling na ng kalihim sa Department of Health (DOH) na bawiin na ang travel ban sa mga paalis na OFW.

Nakiusap din ito sa mga matatamaan ng travel ban na magpasensya muna dahil kumikilos na ang DOLE.

Umaasa rin ang kalihim na positibo ang magiging resulta ng hiling niyang bawiin na ang travel ban sa Taiwan.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published.