Ibinaba na ang status ng Taal Volcano sa alert level 2

Sa advisory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), sinabi na nabawasan na ang mga volcanic earthquake activity ng nasabing bulkan.

Maging umano ang ground deformation sa Caldera at Taal volcano island at wala na.

Humina na rin umano ang pagbuga ng steam/gas sa main crater.

Magugunita na simula noong Enero 26 ay nakakapagtala ng 141 volcanic earthquakes kada araw ang Taal Volcano Network.

Sa “significant events” naman ng Philippine Seismic Network ay may naitalang 127 volcanic earthquakes na may magnitude 1.4 hanggang 4.3 sa Taal region.

“The number of and energy of tremor and low-frequency events associated with activity in the shallow magma and hydrothermal region beneath the Taal Volcano island edifice have also diminished.

“These parameters are consistent with degassing ponded magma rather than active magma transport to and from the magma reservoir beneath the volcano island,” batay sa inilabas na Phivolcs bulletin.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published.