Guro inireklamo ng sextortion ng grade 9 student na hiningan ng nude video

Naghihimas ngayon ng rehas na bakal ang isang guro na inaresto dahil sa reklamong sextortion ng isang estudyanteng biniktima nito sa Malolos, Bulacan.

Arestado ang suspek na si Lester Torres, 32 anyos, sa entrapment operation na inalagwa ng Region 3 Anti-Crime Unit kagabi, araw ng Huwebes sa abandonadong building ng Department of Education (DepEd).

Inireklamo si Torres ng sextortion ng Grade 9 student na hindi pinangalanan na kanya umanong tinakot para sumunod sa kagustuhan nitong makipag-sex.

Ikinuwento ng biktima na noon pang Disyembre nang maka-chat niya ang gurong suspek na nagpanggap umanong babae.

Humingi umano ang guro ng video ng nakahubad na biktima na siyang ginamit sa pamba-blackmail.

Kung hindi umano papayag ang biktima na makipagkita at makipag-sex sa suspek ay ikakalat nito ang hubad na video.

Sa pagkadakip sa suspek ay nakuha sa pag-iingat nito ang cellphone at lubid na gagamitin umano sanang pang-tali sa kamay ng biktimang estudyante.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang paratang, subalit ayon sa pulisya ay matibay ang mga ebidensya laban dito.

Sa ngayon ay nahaharap ang guro sa kasong sextortion at paglabag sa Anti-Voyeurism Law in Relation to Child Abuse.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *