Espenido sa drug watchlist kinupirma ng DILG

Kabilang si police Lt. Col. Jovie Espenido sa iniimbestigahan dahil sa pagkakadawit umano nito sa kalakalan ng iligal na droga.

Ito ang pagkumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Si Espenido ay isa sa 357 police officers na nasa drug watchlist ng pamahalaan.

At ang bagay na ito ay alam umano ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit nilinaw ni Año na katulad ng iba pang isinasangkot ay daraan sa validation at imbestigasyon si Espenido.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published.