Cayetano, tutol sa diborsiyo

Tutol si Speaker Alan Peter Cayetano sa diborsyo na isinusulong ngayon sa Kongreso.

Ito ang inihayag ng mambabatas ng dumalo sa kasalang bayan sa Parañaque City kaninang umaga.

Aminado ito na may hindi perpektong pagsasama tulad ng sinasaktan ang kapareha o parehong lulong sa droga at iba pa.

Pero hindi umano diborsyo ang sagot dito, dahil pwede umanong magdulot ito ng mas maraming problema sa hinaharap kung basta na lang papayagan ang isa na muling makapag-asawa.

Sa halip umanong isulong ang diborsyo ay maghanap ng ibang paraan ng paghihiwalay ang mag-asawa pero protektado pa rin ang kasagraduhan ng kasal.

“I would rather we study bakit napakahirap kumuha ng annulment.

Di ba? Or any other kind of dissolution of marriage that will still protect the marriage,” paliwanag nito.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *