5 Indian national swak sa ‘5-6’ business, BI nagbabala vs illegal alien

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga banyagang iligal na nasa bansa makaraang mahuli ang limang Indian national na nagnenegosyo ng “5-6” at naninirahan sa bansa ng walang kaukulang dokumento.

Naaresto ang nasabing mga Indian national sa Davao City sa isang operasyon ng mga operatiba ng BI Intelligence Division Mindanao Task Group (MTG), ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente.

Ayon kay Morente, nag-isyu ng mission order ang BI makaraang makatanggap ng reklamo sa mga residente ng Davao City dahil sangkot umano ang mga Indian national sa “5-6” lending business o pagpapautang na may tubo o interest na 20 percent.

Nakilala ang mga suspek na sina Darshna Devi, Gurbhej Singh Toor, Lovepreet Singh Waring, Amarjit Singh Toor at Sukhmander Singh na pawang nakatira sa Brgy. Cabantian, Buhangin, Davao City.

Nabatid na ng hanapan ng dokumento ang mga dinakip bilang patunay na ligal ang pananatili sa bansa ay walang maipakita ang mga ito.

Kasalukuyang nakapiit na ang mga suspek sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at nakatakda ang mga ito na ipa-deport pabalik sa kanilang bansa.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *