Sagada, sarado muna sa turista dahil sa COVID-19

Sinuspinde pansamantala ng lokal na pamahalaan ang lahat ng eco-tourism activity sa Sagada Mountain Province bunsod ng pag-iingat laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang kautusan ay inilabas ni Mayor James Pooten Jr. kung saan nakasaad na kailangang protektahan ang kanilang lugar at mga mamamayan laban sa nasabing killer virus.

Ganunpaman, mananatili namang bukas ang mga restaurant, pottery at weaving shops, church mission compound, pati mga museo, coffee farms, sunset viewpoint, at ampanga heights sunrise viewpoint.

Hindi naman nagtakda ang lokal na pamahalaan kung hanggang kailan sarado ang Sagada para sa mga turista.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published.