Gen. Gamboa naglabas ng kanyang ‘disgusto’ sa media na nagbuko kay Lt. Col. Espenido sa narcolist

Naglabas ng kanyang “disgusto” si Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa sa mga mamamahayag nang ilabas ng mga ito ang pangalan ni Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido na kasama sa 357 na pulis na nasa narcolist.

Pakiwari ni Gamboa ay nainsulto siya sa nangyari dahil nakiusap umano siya sa media na huwag ilahad sa publiko kung sinu-sino ang nasa listahan dahil kailangan pa itong i-validate.

Noong Lunes ng umaga sa news conference sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ay tumanggi si Gamboa na magsalita sa totoong dahilan ng pagtanggal kay Espenido bilang Deputy for Operation at Chief ng Anti-Drug Operations sa Bacolod City Philippine National Police (PNP).

Tumanggi naman si Espenido na magbigay ng komento sa pangyayari at tanging sinabi nito ay ipinauubaya niya ang lahat sa PNP chief.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *