Marcelito Pomoy, kontento na sa naabot sa AGT: The Champions

Kuntento na ang Filipino singer na si Marcelito Pomoy sa nakamit nito bilang grand finalist ng 2020 America’s Got Talent (AGT): The Champions.

Ito ang ipinahayag ng 35 anyos na si Pomoy, isang araw bago ang finale ng AGT-The Champions, bukas ng umaga (oras sa Manila).

Manalo o matalo man ay isa na umanong karangalan ang mga pangyayari sa kanyang buhay.

Si Pomoy ay kapwa nakakuha ng standing ovation sa mga naging performance nito sa AGT kung saan sa kanyang unang sabak ay inawit niya ang “The Prayer” sa boses babae at lalaki.

Dahil dito ay nakapasok siya sa semifinal round, kung saan ay inawit naman nito ang “Con Te Partirò” o “Time to Say Goodbye” sa boses pa rin na babae at lalaki, dahilan upang makapasok siya sa grand finals.

Kabilang sa makaka-showdown ni Pomoy sa grand finals ang German singer/dancer na si Hans, violinist na si Tyler Butler-Figueroa, dog trainer act na si Alexa Lauenburger, circus performer na Sandou Trio Russian Bar, at acrobatic pair na Duo Transcend.

At haharapin nilang lahat ang apat na “golden buzzer” acts na otomatikong pasok bilang grand finalist na sina Angelina Jordan, Boogie Storm, V. Unbeatable, at Silhouettes.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *