Marcelito Pomoy ‘di makapaniwalang pasok siya sa grand finals ng ‘Americas Got Talent: The Champions’

Hindi pa rin makapaniwala ang singer na si Marcelito Pomoy na nalusutan niya ang semifinal round at ngayon ay isa siya sa mga grand finalists ng “America’s Got Talent (AGT): The Champions.”

Sa ikalawang pagkakataon (una ay nung awitin niya ang “The Prayer” para makapasok sa semifinals round) ay muling nagpasiklab ang pambato ng Pilipinas sa semifinals round kahapon (oras sa Pilipinas).

Inawit ni Pomoy ang “Con Te Partirò” o “Time to Say Goodbye” nina Andrea Bocelli at Sarah Brightman kung saan muli siyang nakatanggap ng standing ovation sa mga judges na sina Howie Mandel, Alesha Dixon, Heidi Klum at Simon Cowell.

Komento ni Mandel: “I gotta say that I believe that you have the best shot of winning this whole thing.

This is the semifinals and you raised your game.

The woman in you was just as good as she was the last time.

But you as a man, you went up a notch.

She tried to stay up with you but she couldn’t.”

Ayon kay Dixon: “It really enabled you to shine.

I just love everything about you Marcelito.

That was a fabulous performance, well done.”

Sinabi naman ni Klum na inaabangan talaga niya ang pagbabalik sa entablado ni Pomoy.

Sa panig ni Cowell, sinabi nito: “If you make the final, I think you’ve got to take a bigger risk, because the surprise is now over.”

Samantala, makaka-showdown sa grand finals ni Pomoy ang German singer/dancer na si Hans, violinist na si Tyler Butler-Figueroa, dog trainer act na si Alexa Lauenburger, circus performer na Sandou Trio Russian Bar, at acrobatic pair na Duo Transcend.

Haharapin naman nilang lahat sa susunod na linggo ang apat na “golden buzzer” acts na otomatikong pasok bilang mga grand finalist na sina Angelina Jordan, Boogie Storm, V. Unbeatable, at Silhouettes.

Nakilala ang 35 anyos na “Pilipinas Got Talent” second season grand champion na si Pomoy sa kaniyang talentong “doble-kara” kung saan kumakanta siya na boses ng babae at lalaki sa iisang awitin.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published.