Megan Young practical bride, unang wedding dress nagkakahalaga ng P3,590

Nabigla ang mga fans nang malaman na ikinasal na sina Megan Young at Mikael Daez at sila ay hindi lamang isa, kundi may dalawang wedding ceremonies.

Ang una ay isang intimate event na dinaluhan lamang ng 10 katao.

Ito ay sinundan ng malaking selebrasyon, kung saan si Young ay nagsuot ng dalawang wedding gown na gawa ng kanyang kaibigang designer.

Sa first wedding, ang Miss World 2013 titleholder ay na-photograph suot ang isang simpleng asymmetric puff sleeve dress na maaaring maisuot sa iba pang okasyon.

Nabunyag na ang halaga ng puting damit ay wala pang P4,000.

Sa Instagram, ng homegrown clothing brand Zoo Label ay sinabing ang suot ni Young ang isa sa kanilang creation.

“What a wonderful surprise, Megan wearing the Baja silk dress on her wedding day.

Congratulations to the newlyweds,” Zoo Label said as it tagged the Instagram accounts of Young and Daez.

“We’re such fans of your travel vlogs.”

Makikita sa Zoo Label’s website na ang puting Baja silk dress na suot ni Young ay nagkakahalaga lamang ng P3,590.

It “features an asymmetric puffy sleeve with garter on cuff and a wrap-around tulip skirt with tie front detail in an effortlessly chic silky fabric.”

Ang damit ay mayroon pang ibang kulay tulad ng black, emerald, maroon, at light nude.

Si Young kabilang sa katulad ni actress Rich Asuncion at singer Kitchie Nadal sa mga practical celebrity brides sa Philippines.

Nang magpakasal si Asuncion noong 2018, ang suot nitong damit ay nagkakahalaga ng P5,000, habang si Nadal ay pinili ang P799 na damit para sa kanyang kasal noong 2015.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published.