Nadine Lustre umalis na sa Viva

Opisyal nang nilisan ni Nadine Lustre ang Viva Artists Agency, ang kanyang talent agency sa maraming taon.

Sa ipinalabas na pahayag, Lunes, ipinabatid sa publiko ng Kapunan & Castillo Law Offices na si Lustre ay hindi na Viva talent.

“Consistent with her rights under the Civil Code of the Philippines, specifically Article 1920, she has decided to terminate her agency contract with Viva,” ayon sa ipinalabas na pahayag.

Sinabi ng mga abogado ni Lustre na siya’y “self-managed and will continue to be so indefinitely.”

“She shall directly manage her affairs from now on, and bookings and inquiries may be directly addressed to her,” ayon sa pahayag.

Si Lustre ay laging nasa headlines nitong mga huling araw kasunod ang kanyang pakipag-breakup kay actor James Reid, na umalis din sa Viva noong nakaraang taon.

Noong December, lumagda si Lustre ng kontrata sa sariling record label ni Reid, Careless Music Manila, na may planong mag-produce ng solo album.

Nauna rito, nag-collaborate sila sa ilang tracks, kasama ang ‘hit’ na “Summer.”

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published.