Daniel Padilla, masaya sa buhay pag-ibig ng ina

Masaya ang aktor na si Daniel Padilla sa buhay pag-ibig ng inang si Karla Estrada.

“Importante sa akin, masaya ang ermat ko” ani Daniel Padilla.

Ang pahayag ni Daniel Padilla ay nang tanungin ito ng mga showbiz reporters kung ano ang kanyang reaksiyon sa pagkakaroon ng bagong pag-ibig ng kanyang inang si Karla Estrada.

Sinabi ni Daniel na bilang anak ay masaya siya sa kasiyahang nararamdaman ng kanyang ina.

“Hindi ako masyadong nangingi-alam doon.

Ang importante lang sa akin ay masaya ang ermat ko.

Masaya siya at alam naman niya na bantay-sarado siya sa akin,” aniya.

“So, I’m just happy for her now dahil masaya siya at maganda ang mood niya palagi, at ‘yun ang importante,” dagdag ng aktor.

Nobyembre noong nakaraang taon ay pormal nang ipinakilala sa publiko ni Karla Estrada si Jam Ignacio, ang kanyang bagong nobyo.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *