Julia Clarete, bumalik sa Eat Bulaga

Makalipas ang halos apat na taon, muling ‘bumalik’ si Julia Clarete sa longest-running noon time show na “Eat Bulaga” nitong Miyerkules bilang bisita sa patok na segment nito na “Bawal Judgmental.”

Ang topic ng segment ay tungkol sa mga yaya, at kabilang sa mga pinahulaan sa celebrity contestant na si EA Guzman, ang yaya for 40 years ni Julia na si Jovita.

Sa first round ng segment tama ang pagkakapili ni EA kay Jovita sa tanong na sino sa mga yaya ang nagsilbing sa isang pamilya nang higit sa 30 years.

Ikinuwento ni Yaya Jovita na nakilala raw siya ng pamilya ni Julia sa Iloilo City nang irekomenda siya bilang isang kasambahay.

Aniya, tatlong buwang gulang pa lang daw si Julia noon nang alagaan ni Yaya Jovita.

At ngayon, anak na ni Julia na si Vince ang inaalagaan nito.

“Si nanay, maraming sakripsiyo ‘yan na binigay sa amin, hindi lang sa akin, kundi sa buong mga kapatid ko, buong family namin.

Kasi kahit anong mangyari sa amin, when my mom left for the States tapos kami lang talaga ang natira, hindi niya kami iniwan,” paghayag ni Julia.

“You know in your heart and everybody knows that you are a blessing to us, so keep it up, yo!” dagdag ni Julia.

Natatawa at pabirong mensahe naman ni Yaya Jovita kay Julia, “Mahal na mahal ko kayo lahat, lalo na si Vince, hindi ikaw.”

Taong 2016 ng i-anunsyo ni Julia na hindi na siya mapapanood sa Eat Bulaga dahil maninirahan na siya sa Malaysia upang bumuo ng pamilya.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *