Alex Gonzaga, Mikee Morada, engaged na!

Engaged na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada simula pa noong Disyembre.

Ipinagtapat ito ng aktres sa kanyang pinakahuling vlog na ini-upload nitong Biyernes.

Ang proposal, na nangyari noong nakalipas na December 27 sa 1881 Heritage sa Hong Kong, ay sinaksihan ng mga magulang ni Gonzaga.

Sa isang video, makikita na lumuhod sa isang knee si Morada para hingin ang kamay ni Gonzaga para magpakasal.

Unang ibinulgar ni Gonzaga ang kanyang engagement kay Morada nitong Huwebes sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Ang dalawa ay nagdiwang ng kanilang 3rd anniversary noong nakaraang Nobyembre.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *