Tsismis sa pagbubuntis ni Liza Soberano itinanggi

Pinasinungalingan nina Liza Soberano at Enrique Gil na sila ay engaged at buntis ang aktres nang magpunta ito sa US noong nakaraang taon.

Pinasinungalingan ng real-life and on-screen couple ang nasabing tsismis sa kanilang paglabas sa “Tonight with Boy Abunda,” na naka-post sa YouTube channel ng show, nitong Enero 15.

Ayon kay Abunda, ang mga tagahanga ng mga artists ay naghinala na sila ay engaged nang makita na may suot na black ring si Gil sa ilan sa kanyang mga photos, sa pagsasabi na ang iba ay ginagamit ang katulad na singsing bilang palatandaan ng kanilang engagement.

Gayunpaman, nilinaw nina Soberano at Gil na ang singsing ay walang anumang partikular na kahulugan para sa kanila.

Binigyan-diin din ng aktress na ito ay ibinigay kay Gil ng isa sa kanilang mga uncles sa Vancouver, Canada.

Binanggit din ng TV host ang ‘pregnancy rumors na bumabalot sa US trip ni Soberano noong nakaraang taon.

Sa nasabing panahon, siya ay nasa US para sumailalim sa surgery para sa kanyang daliri na na-injured habang ginagawa ang pelikulang “Bagani.”

Nang tanungin ni Abunda si Soberano kung nagalit siya tungkol sa rumors, unang inamin ng aktres na inaasahan na niya ang nasabing mga espekulasyon dahil matagal siyang mawawala.

Gayunpaman, ipinaliwanag niya na hindi siya nagalit tungkol sa false stories.

Sa halip, sinabi ni Soberano na siya’y “more upset” sa taong nagsimula sa mga espekulasyon at gumawa ng video tungkol sa umano’y pagbubuntis nito.

Hindi niya binanggit ang pangalan ng tao na tinutukoy nito.

Binanggit din ng aktres na hindi rin binanggit sa video ang kanyang pangalan, subalit napaka-obvious aniya, na siya ang kanilang pinag-uusapan.

Idinadgad pa nito na ang nasabing tao ay hindi rin nag-bother na tanungin muna siya o ang kanyang manager tungkol sa tsismis.

Matapos mailabas ang video, pinayuhan si Soberano ng kanyang mga fans na idemanda ang taong responsable para dito.

Sa kabila ng kanilang panghihimasok, mas pinili nitong huwag gumawa ng legal action laban sa indibidwal.

“I am not ruining someone’s life just because they decided to make a silly rumor about me,” ani Soberano.

“I think it’s bad enough already that he got a taste of his own medicine and everyone got mad at him.”

Ipinaliwanag din ng aktres na ang pagpunta sa abroad ay hindi nangangahulugan na ang isang tao ay buntis.

“I don’t think everyone who gets pregnant wants to hide it,” dagdag nito.

Binigyan-diin din ni Abunda na “nobody has the license to inflict pain on others no matter how public jobs are.”

Sina Soberano at Gil ay kasalukuyang magkatambal sa bagong TV drama series “Make It with You.”

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *