Gilas Pilipinas mag-all-Filipino sa FIBA Asia Cup 1st window

Inilabas na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) nitong Biyernes ang 24-man Gilas Pilipinas pool para sa first window ng FIBA Asia Cup sa darating na Pebrero.

Ang national team ay mag-all-Filipino lineup na paghaluin ang mga veterans, rookies, at collegiate players sa roster.

Sina Isaac Go, Rey Suerte, Matt Nieto, Allyn Bulanadi, and Mike Nieto, ang PBA rookies na napili sa special Gilas draft, una sa listahan.

Sina Thirdy Ravena at Jaydee Tungcab, na graduate na sa kanilang UAAP playing years sa huling season, ay kasama rin sa pool.

Ang mga collegiate players na kabilang sa pool ay sina Kobe Paras, Juan Gomez de Liaño, Javi Gomez de Liaño, Dave Ildefonso, Dwight Ramos, at Justin Baltazar.

Sina Marc Pingris, Japeth Aguilar, Troy Rosario, Kiefer Ravena, Poy Erram, Matthew Wright, RR Pogoy, Ray Parks, CJ Perez, Mac Belo, and Christian Standhardinger ay babalik din para sa isa pang tour of duty para sa Gilas matapos magsuot ng colors ng bansa sa nakalipas na mga FIBA competitions.

Ang Philippines ay nasa Group A kasama ang Indonesia, Thailand, at Korea.

Ang Gilas ang magho-host sa Thailand sa February 20 at bibisita sa Indonesia sa February 23.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published.