Pulis napatay nang arestuhin sa pamamaril ng kabaro

Napatay ang isang pulis sa Banawan, Agusan del Sur matapos na manlaban umano sa mga awtoridad na umaresto sa kanya bunsod sa pamamaril sa isang opisyal ng pulisya.

Kinilala ang napatay na si Patrolman John Paul Gerida habang isinasagawa ang pag- aresto sa kanya dahil sa umano’y pagbaril nito kay Lt. col. Rex Lomente noong Biyernes, ayon sa ulat.

Nagsagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban kay Gerida, na umano’y tumakas matapos ang pamamaril.

Nagpapagaling na si Lomente matapos siyang operahan, ayon sa Agusan del Sur Provincial Police Office.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *