Prado nanalo ng pangatlong gold sa cycling

Muling nanalo umano si Jermyn Prado ng pangatlong gold medal sa cycling para sa Pilipinas nitong Huwebes ng umaga habang nanguna siya sa women’s individual time trial event sa 30th Southeast Asian Games sa Tagaytay City.

Si Prado ay nagtapos sa oras na 44:44.742, na umungos kay Singapore’s Yiwei Luo, na may oras na 44:48.518 para sa silver medal.

Si Phetdarin Somrat ng Thailand ang third place matapos na magtapos sa oras na 44:58.152.

Isa pang Filipina bet, na si Marella Salamat, ay pang- seventh place na may oras na 45:59.275.

Ito ang pangatlong gold medal ng Philippine cycling team sa SEA Games, matapos manalo sina Lea Denise Belgira at John Derick Farr nitong Lunes.

Samantala, kumolekta naman si Samuel German ng isa pang silver medal para sa bansa sa modern pentathlon.

Sa kanyang oras na 13:27.29 ay nahuli siya kay Muhammad (13:02.24) habang ang nakakuha naman ng bronze ay si Marcus Ong ng Singapore na nakapagtala ng oras na (13:34.28).

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *