60 gold medals na ang nakuha ng PHL sa SEA Games

Umaabot na sa 60 gold medals ang hinakot ng mga Filipino athletes sa ginaganap na SEA Games, kung saan ito ang ikalawang pagkakataon simula ng lumahok ang bansa sa SEA Games, na umabot sa nasabing bilang ang gold medals.

Ang dalawang gold medals sa skateboarding nitong Huwebes ng hapon ang napagpatala sa kabuuang 60 gold medals na ang nakuha ng Pilipinas sa ginaganap na 30th Southeast Asian Games.

Matapos si cyclist Jermyn Prado (men’s individual time trial) at pencak silat practitioner Edmar Tacuel (men’s seni tunggal, singles) na kapwa nanalo ng gold medal sa kani-kanilang events, tumigil na ang pagpanalo ng gold para sa bansa.

Ang pagkapanalo nina skateboarders Margielyn Didal at Daniel Ledermann ang muling nagbukas para dito.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published.