Condo unit ginawang drug lab ng Koreano, suspek arestado

Nilusob ng mga awtoridad noong Martes ang isang condominium unit sa Quezon City na ginagawa umanong drug lab, kung saan naaresto ang isang Koreano na suspek.

Samantala, nasa kustodiya ng pulisya ang mga nakumpiskang ebidensya at ang suspek, na kakasuhan ng NBI.

Ayon sa  ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), kinilala ang suspek bilang si Jungkil Kim, 57, na umano ay nagpapatakbo ng hinihinalang drug lab.

Ayon kay NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas, hinihinalang  chemist  rin si Kim na nagpapatakbo ng umano’y drug lab.

Sa bisa ng search warrant, ni-raid ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), Manila Police District, at Quezon City Police District ang condominium unit sa Barangay Santo Cristo bandang alas-3 ng hapon.

Nasamsam sa condominium unit ang 11 pack ng white crystalline substance, mga laboratory instrument, at mga kemikal.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *