4 bodega ng asukal ipinasara ng BIR dahil di rehistrado

Ikinandado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong  Miyerkoles ang 4 na bodega ng asukal sa Meycauayan, Bulacan dahil hindi raw rehistrado ang mga ito sa ahensya.

Ayon kay BIR assistant regional director Manuel Mapoy, ang mga ipinasarang bodega ay pagmamay-ari ng Edison Lee Marketing Incorporated, na matatagpuan sa Polyland Industrial Subdivision.

Bukod sa hindi nakarehistro sa ahensya, hindi rin sumusunod ang mga bodega sa registration requirements ng Tax Code, ayon kay Mapoy.

Mananatiling nakasara ang mga bodega habang hindi nababayaran ang deficiency taxes at penalty sa BIR.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *