13 patay sa Bagyong Tisoy

Umabot sa 13 katao ang naiulat na nasawi sa Regions V, VIII, CALABARZON at MIMAROPA habang nanalasa ang Typhoon Tisoy  sa Pilipinas nitong Martes, ayon sa mga awtoridad nitong Miyerkules..

Batay sa impormasyon mula sa Police Regional Office 5 nakasaad na mga nasawi sa   Bicol region ay tig-isa mula sa  Libmanan, Camarines Sur; Bulan, Sorsogon; Sorsogon City; Goa, Camarines Sur; at sa bayan ng  Pili.

Isa rin ang sugatan sa bumagsak na kahoy sa  Polangui, Albay, ayon sa pulis, na idinagdag pa, na walang naiulat na nawawalang tao sa  Region V.

Meanwhile, MIMAROPA Police Regional Office said five died due to Tisoy, identified as Ildefonso Reyes Delos Santos, Jessie Santos, Efren De Guzman Cueto, Domindor Motol Lazo, who were all from Oriental Mindoro, and Bernabe Minay Lundag who was from Marinduque.

Sa kabilang dako, sinabi ng Office of Civil Defense sa Region VIII isa ang namatay sa Ormoc City dahil sa grabeng sugat sa ulo sanhi sa pagbagsak ng kahoy noong Disyembre 2.

Ayon sa Police Regional Office – CALABARZON, dalawa naman katao ang namatay sa rehiyon dahil sa Bagyong Tisoy.

Ayon kay  Catanauan Municipal Police Station, isang  Rafael Palma ang tinamaan ng bumagsak na kahoy sa Barangay Gatasan nitong Martes.

Samantala, sa ipinarating namang impormasyon  mula sa  Polillo Municipal Police Station tumama ang isang kidlat ang tumama kay  Joe Quito Sta. Ana, residente ng  Barangay Sibulan,na ikinasawi nito noong Martes.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) may kabuuang  495,408 katao o 123,912 pamilya ang natulungan sa Regions III, V, VIII, NCR at MIMAROPA.

Sa nasabing bilang, 114,552 pamilya o 458,020 ay tinutulungan sa mga evacuation centers habang 9,360 pamilya o 37,388 katao ang nasa labas ng mga evacuation centers.

Ang council, na pinanatili ang blue alert status nito, ay nagsabi na may kabuuang 38 bahay ang nasira sa Regions V, VI, CAR at CARAGA.  Sa nasabing bilang, 18 bahay ay totally damaged habang ang 20  iba pa ay  partially damaged.

Samantala, 18 road sections at tatlong tulay ay apektado ni  Tisoy. Ang tatlong tulay gayundin ang 12 kalsada ay nanatiling hindi madadaanan ng mga sasakyan nitong Miyerkules ng umaga , ayon sa  NDRRMC.

Ayon sa NDRRMC, eight areas ay napaulat na binaha sa Region VI at sa CALABARZON.

Si Tisoy ay nag-landfall ng apat na beses — sa  Gubat, Sorsogon; San Pascual, Masbate; Marinduque; at Naujan, Oriental Mindoro.

Sinabi ng state weather bureau PAGASA nitong Miyerkules na si Tisoy ay humina  sa  severe tropical storm at inaasahan na umalis ng  Philippine Area of Responsibility  Miyerkules ng gabi o hanggang Huwebes ng umaga.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *