Trabaho sa government offices, klase sa Metro Manila sinuspendi sa bagyong Tisoy

Sinuspendi ng Malacañang ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa Metro Manila simula nang tanghali nitong Martes dahil sa sama g panahon dala ng Bagyong Tisoy.

Sa ipinalabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea na Memorandum Circular 73 ipinag-utos nito ang pagsuspendi sa trabaho at klase maliban sa mga ahensiya na may kaugnayan sa paghahatid ng basic at health services at iba pang vital services.

Ang pagsuspendi sa trabaho sa private companies at opisina ay ipinaubaya sa discretion ng kani-kanilang employers.

Ayon sa weather bureau PAGASA, sa pagitan ng umaga at sa hapon ng Martes, ang Bicol region, Romblon, Marinduque, Mindoro provinces, CALABARZON, Metro Manila, Bataan, Pampanga at Bulacan ang makakaranas ng madalas na malakas na ulan.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *