MILF commander itinumba ng mga ‘di kilalang mga suspek sa Cotabato

Napatay ang pinakamataas na commander ng Moro Islamic Liberation Front ng hindi kilalang mga suspek sa Matalam, Cotabato nitong Lunes ng hapon, ayon sa local na pulisya.

Kinilala ni Police Major Brian Placer, ang chief of police ng Matalam ang biktima bilang Commander Hadji Mansor Blancia Imbong, 51, deputy brigade commander ng 5th Brigade, 108th Base Command ng MILF.

Si Imbong, residente ng Purok Tagumpay, Barangay Marbel sa Matalam ay pauwi na nang barilin siya ng mga suspek na nakasakay sa isang four-wheel vehicle na walang license plates.

Sinabi ni Placer na ang biktima ay nakasakay sa kanyang motorcycle nang atakehin ng mga suspek sa may kahabaan ng national highway.

“As per witnesses’ accounts, the suspects were riding a Toyota Hilux when they shot the victim,” ani Placer.

Aniya, ang mga imbestigador ay kumukuha ng impormasyon mula sa kanyang pamilya at mga taong malapit kay Imbong upang mabatid ang posibleng motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

“We are studying all angles.

But for now, we are in the process of getting additional information from the people close to the victim,” ayon pa kay Placer.

Si Imbong ay agad na inilibing bilang pagsunod sa Islam tradition na paglilibing sa kanilang patay sa loob ng 24 oras.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *