Pilipinas naka-21 ginto sa unang araw ng 30th SEA Games

Nanguna ang Pilipinas sa pinakamaraming nakamit na medalya sa unang araw pa lang ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games) nitong Linggo.

Ayon sa official count, 21 gold medals na ang nakuha ng Pilipinas, 11 silver at limang bronze.

Sa dance sport pa lang, 8 medalya na ang nakamit ng Philippine team, kung saan 13 medalya ang nakataya.

Sa sepak takraw, panalo ang Pilipinas sa laban kontra Indonesia sa women’s hoop event, 670-660, para iuwi ang ginto.

Nanalo rin ang men’s team laban sa Laos, 670-430.

Sa arnis, overall champion ang men’s division dahil sa 4 na gintong medalya.

Naka-ginto si Dexter Balambao nang talunin ang Myanmar sa bantamweight division.

Nagwagi rin si Niño Mark Talledo sa featherweight division laban sa Vietnam.

Nakaginto rin sina Villardo Cunamay sa lightweight division at Mike Bañares sa triathlon, naka back-to-back win ang Pilipinas sa men’s individual triathlon at sa women’s triathlon.

Naka-ginto rin si Agatha Wong sa women’s taichi quan sa wushu.

Sa kabilang dako, tinambakan ng women’s team ng Gilas Pilipinas ang Myanmar, 21-4, para sa una nilang panalo sa 3 on 3 basketball.

Tinalo rin nila ang Indonesia, 16-13.

Tinalo naman ng Pilipinas ang Vietnam, 21-15 sa men’s division.

Si world gymnastics champion Carlo Yulo ay nagpakitang gilas at makamit ang gintong medalya sa individual all-around event sa men’s artistic gymnastics.

Pumangalawa sa a Pilipinas na nakakuha ng maraming gold ay ang bansang Vietnam, 5 ginto, 12 silver at 7 bronze.

Pangatlo ang Malaysia, 4 gold, 1 silver at 2 bronze;

Panga-apat ang Singapore, 3 gold, 2 silver at 4 bronze;

panglima ang Thailand, 2 gold, 4 silver at 8 bronze;

pang-anim ang Indonesia, 1 gold; 2 silver at 5 bronze at pang-pito ang Brunei, 1 gold, 2 silver at isang bronze.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *