Traffic enforcer sugatan matapos kaladkarin ng sinitang suspek

Nasugatan ang isang traffic enforcer sa Sta. Cruz nang kaladkarin ng sinisita niyang SUV driver nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Adrian Lim, tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau, ayon sa Manila Public Information Office.

Kinilala naman ang suspek na si Orlando Ricardo, Jr.

Sa kuha ng CCTV makikita na nakasabit ang enforcer sa umaandar na Mitsubishi Xpander sa Gelinos Street, malapit sa kanto ng Laong-Laan Street, sa Barangay 342.

Ang pangyayari ay naganap dakong alas-9 ng umaga.

Nakabangga pa ng nakaparadang sasakyan ang SUV, na minamaneho ni Ricardo.

Mabilis na nakatakas ang suspek subalit nahuli rin sa Batasan Hills, Quezon City.

Nilapatan ng paunang lunas ng Philippine Red Cross ang enforcer na ngayon ay nagpapagaling na sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ano ang violation at kung ano ang dahilan ng pagtatalo.

Si Ricardo ay nahaharap sa kasong serious physical injury at hit-and-run.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *