Pinoy sa HK ‘di pa kailangang ilikas

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pa kailangang ilikas ang mga Pilipino sa Hong Kong sa ngayon kahit patuloy na umiinit ang protesta sa nasabing siyudad.

“The DFA wishes to assure everyone that (contrary to some false reports circulating in social media) Filipinos in Hong Kong remain safe and are largely unaffected by the ongoing protests in the area,” ayon sa ipinalabas na pahayag ng DFA.

Sinabi ng DFA na ang Philippine Consulate General sa Hong Kong ay mahigpit na mino-monitor ang sitwasyon.

Kasabay nito, gumagawa rin sila ng mga kaukulang hakbang upang matiyak na patuloy nasa ligtas at maayos na kalagayan ang mga Filipino doon.

“Meantime, those wishing to follow the impact of developments in Hong Kong on our nationals there are advised to visit the Consulate’s website for updates and advisories, instead of turning to questionable sources of information in social media,” anang DFA.

Tinatayang aabot sa 230,000 Filipinos, karamihan mga domestic workers, ang naninirahan at nagtatrabaho sa Hong Kong.

Ang protesta sa Hong Kong ay nagsimula noon pang June kung saan nakakarami sa 7.5 milyong residente ng siyudad ang nagagalit sa pagsira ng mga kalayaan sa ilalim ng Chinese rule.

Nitong Biyernes ng gabi, tinawag ang mga mga bumbero para patayin ang sunog mula sa sinununog na sasakyan malapit sa Chinese University of Hong Kong.

Isinagawa ang pagsunog bilang pagtutol sa babala ni Chinese President Xi Jinping, na pagsuporta nitong Huwebes sa lider ng Hong Kong na si Carrie Lam na binalaan ang protest movement dahil banta ito sa “one country, two systems” principle na pamamahala sa semi-autonomous city.

Sinabi ni Xi “stopping violence and controlling chaos” ang pangunahing prayoridad.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *