Duterte binalaan si Robredo na sisibakin

Nagbabala si Presidente Rodrigo Duterte na patalsikin nito si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) sakaling ibulgar nito ang mga “classified matters” o sekreto ng gobyerno na magdudulot ng panganib sa seguridad ng estado.

Inihayag ito ni Duterte sa isang exclusive interview ng GMA News kay Duterte, nang tanungin siya kaugnay sa pakikipagpulong ni Robredo sa, United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), community-based advocacy groups at sa mga opisyal U.S. Embassy officials na tinalakay ang drug problem ng bansa.

“There’s a limit to that. I know that she’s a lawyer and she has other advisers… There are certain matters that should be kept with the government, that classified matters cannot be shared. Once [she does] that, she’s out, I would fire her. Because you jeopardized the security of the state,” ani Duterte.

Sa nasabing panayam, iginiit ni Duterte na dumaranas siya ng sakit dahil sa kanyang edad.

“Lahat ng sakit, nandito na sa ‘kin kasi matanda na ako… Kung sabihin mo, ‘Okay ka ba presidente? Are you in the best of health?’ Of course not. I am old, life has begun to take its toll on my health. At kung sabihin mong may sakit ako, meron. You name it, I have it. Para wala na lang debate.”

Ilang araw na nagpahinga ang Pangulo at nitong Biyernes ay nagtungo ito sa Eastern Samar para makiramay sa mga pamilya na naulila ng mga sundalo na nasawi sa naganap na sagupaan sa mga rebeldeng New People’s Army.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *