Robredo magtagumpay kaya bilang drug czar?

Nakakagulat na tinanggap ni Vice President Leni Robredo ang hamon at pagtalaga sa kanya ni Pagulong Rodrigo Duterte na maging co-chair ng isang inter-agency body laban sa illegal drugs.

Malakas ang loob ni Robredo na tanggapin ang kanyang appointment bilang co-chair ng inter-agency committee on anti-illegal drugs (ICAD) sa kabila ng mga warnings mula sa kanyang mga kaalyado at pagkuwetisyon sa kanyang kakayahan ng mga kalaban.

Sana magtagumpay siya sa kanyang bagong trabaho bilang drug czar, dahil batid naman natin kung gaano kahirap ang gawaing ito, maging si Pangulong Duterte na masasabi nating ‘tigasin’ ay nauna nang umamin na bigo siyang lutusain ang problema sa illigal drugs.

Matatandaan na noong 2016 Presidential Elections campaign period, ipinangako ni Duterte na lulutasin nito sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan ang drug problem sa bansa subalit nabigo siya, at hanggang ngayon sa kabila na libu-libong buhay na ang nawala.

Ngayong tinanggap na nito ang posisyon, lahat ng mata ng kanyang mga kaalyado at kalaban ay nakatutok upang bantayan ang bawat kilos at galaw nito kung talagang kaya niyang tayuan ang kanyang bagong trabaho.

Alam natin na seryoso at wala siyang masamang iniisip o hangarin si Robredo sa kanyang pagtanggap sa nasabing hamon at hangad lamang niya ay makatulong sa gobyerno sa paglutas sa problemang ito subalit hindi niya batid ang iniisip ng mga kalaban.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na matagal na siyang kinukotya at kinukuwestiyon ang kanyang kakayahan maging si Pangulong Duterte ay hayagang sinasabi ito.

Lalo na nagpahayag siya ng kanyang interes na kumandidato sa pagka-presidente sa taong 2022 presidential election.

Dapat lang siguro na mag-ingat at maging mapagmatyag si Robredo sa kanyang paligid dahil baka masabotahe siya.

Maraming mangyari dahil sila ang nakaupo at maari nilang gawin ang gusto nilang isagawa upang masabotahe si Robredo.

Sana huwag naman, dahil kailangan talagang magtulungan ang mga opisyal ng gobyerno at ang sambayanang Filipino upang labanan ang problema sa illegal drugs ng bansa. Mag-aabang tayo!

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published.