Walang nakikitang pagsabog sa Apolaki Caldera—PHILVOCS

Walang nakikitang anumang posibleng aktibidad ang Phivolcs sa bulkan na natagpuan sa Apolaki caldera, ang natagpuang pinakamalaking uri ng caldera sa buong mundo nakapitbahay lang ng Pilipinas.

Ayon kay PHIVOLCS director Renato Solidum, na walang nakikitang anumang posibleng pagsabog mula dito.

Sinabi pa ni Solidum na nangyari ang pagsabog nito ilang milyon na ang nakakaraan.

“Sa tingin natin, mga 20 million years ang kanyang activity. Around 46 million years ago to 26 million years ago,” sinabi ni Solidum.

“Pero dahil ito ay matagal nang hindi sumasabog, hindi dapat mangamba ang ating mga kababayan diyan,” dagdag nito.

Isang Pinay marine geophysicist na si Jenny Anne Barretto at kasama ang 2 iba pang eksperto, ang nakadiskubre sa Apolaki caldera sa Benham Rise.

Sa paliwanag ng US Geological Survey (USGS) ang caldera ay isang malaking basin-shaped volcanic depression, na nagmula sa pag-collapse ng lupa nang magbuga ng magma mula sa isang bulkan.

Ang Apolaki caldera, na ayon kay Barretto ay nabuo sa isang underwater volcano, at may a diameter na 150 kilometer.

Ang haba niya ay maihahalintulad sa biyahe mula sa Quezon City papunta sa Paniqui, Tarlac.

Naniniwala naman si Solidum na posibleng may oil sa lugar.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *