Palasyo dapat maglabas ng medical bulletin ni Duterte—Alejano

Hinimok ng isang dating mambabatas ang Palasyo ng Malacanang na maglabas ng medical bulletin ni Pangulong Rodrigo Duterte upang masiguro na wala itong malalang sakit.

“Malacañang, once and for all, issue a medical bulletin on the state of health of the president,” panghihikayat ni dating Magdalo party-list Rep. Gary Alejano.

Ang pahayag ay ginawa ni Alejano matapos lumabas na may iniindang sakit sa likod si Duterte na naging dahilan kaya napauwi ito ng maaga mula sa kanyang pagdalo sa enthronement ni Japan Emperor Naruhito.

Tanging sa seremonya ng enthronement ni Naruhito dumalo sa Duterte kasama ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at hindi na ito nakadalo sa Banquet dahil sa iniindang sakit sa gulugod.

Nakita sa mga naglabasang larawan na may tungkod si Duterte at napangiwi ito pagbaba sa sasakyan na isang indikasyon na may nararamdaman itong hindi maganda sa kanyang kalusugan.

Ayon sa Malacanang, lumala ang pananakit ng gulugod ni Duterte matapos itong sumplemang habang nagmomotorsiklo sa Malacanang ground noong nakaraang linggo.

Dahil dito, sinabi ni Alejano na dapat maglabas ng medical bulletin ang Palasyo ukol sa kalagayan ng kalusugan ni Duterte upang matiyak na hindi maaapektuhan ang kanyang tungkulin bilang Pangulo ng bansa.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *