Carwash boy ginising sa saksak ng ka baro

Nakaratay sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang isang carwash boy matapos itong gisingin ng saksak ng kanyang katrabaho na carwash boy din sa Marikina City nitong Miyerkoles ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Clark Angeles y Gariro, 19, binata, carwash boy, matapos saksakin ng kapwa carwash boy na si Rommel De Leon, nasa hustong gulang.

Ayon sa ulat, nag-inuman ang biktima at suspek at saksing si Jerico Vallespin y Kamay, 21, binata, gabi ng Martes.

Sa sobrang kalasingan ay agad nakatulog ang biktima at nang magising alas-4:36 ng madaling araw ay napansin nitong may dugo at sugat ang iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dinala ng nagrespondeng 161 ang biktima sa ospital habang pinaghahanap ng awtoridad ang suspek.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *