Sahod ng health workers sa private hospitals itataas ng Kamara

Naabuso umano ang mga health workers sa private hospital dahil pinapasahod ang mga ito ng napakapababa o wala pa sa minimum wage.

Ito ang natulak sa Makabayan Bloc sa Kamara para ihain ang House Bill 5184 o An Act Providing For the Magna Carta of Private Health Workers, upang maproteksyunan ang mga health professionals sa mga private hospitals.

“This bill aims to provide for the rights, welfare and benefit of private health workers to encourage them to stay in the country and serve the Filipino people,” ayon pa sa panukala.

Nakapaloob sa nasabing panukala, na dapat nang tapusin ang nasabing pananamantala sa mga private health professionals dahil isa ang mga ito sa pinakakawawang empleyado sa pribadong sektor.

“For instance, while a nurse 1 in a public hospital earns P20,754 per month, their counterpart in a private hospital earns as low as P6,000 or P9,000 per month,”nakasaad sa nasabing panukala.

Malayong malayo anila ito sa P537 na daily minimum wage sa National Capital Region (NCR) 0 P11,814 kada buwan kaya kailangan na anilang tulungan ang mga manggagawang ito sa mga pribadong pagamutan sa bansa.

Ayon sa Makabayan Bloc, dekada-dekada na aniya ang problemang ito ng mga health professional sa mga pribadong pagamutan kaya panahon na umano para tulungan ang mga ito dahil hindi nakakabuhay ang ipinapasahod sa kanila.

Kung pagbabasehan umano ang pag-aaral ng IBON Foundation, kailangang kumita ng P1,205 kada araw o P36,160 kada buwan ang isang manggagawa na may 6 na miyembro sa pamilya para magkaroon ang mga ito ng disenteng pamumuhay.

Gayunpaman, ang sinasahod aniya ng isang nurse sa pribadong pagamutan na P6,000 hanggang P9,000 kada buwan ay hindi na umano makatarungan.

Maliban dito, noong 2016, lumabas din umano sa survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na sa 137,173 workers sa mga pribadong hospital at social works activities industries, 19.501 dito ang hindi regular kaya posibleng mas kawawa ang kalagayan umano ito mga ito kumpara sa mga regular employees na napakaliit ang sinasahod.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *