Pinoy workers wanted sa Slovenia

Nangangailangan ang European Union member state na Slovenia ng mga skilled at semi-skilled Filipino workers para madagdagan ang kanilang workforce.

Ito ay inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello lll na lumapit ang Slovenia sa ahensiya na nagsabi na naghahanap sila ng 2,000 hanggang 5,000 skilled at semi-skilled Filipino workers para sa kanilang workforce.

Ang mga oportunidad na bukas sa mga Filipinos ay katulad rin sa natatanggap ng mga overseas workers sa Russia at Canada, ayon sa DOLE nitong Martes.

“Ang suweldo ay tiyak na mas mataas kumpara sa Middle East. Sa Saudi Arabia aabot lamang ng $400. Sa Slovenia, maaari itong umabot ng nasa P50,000 hanggang P75,000 o mga $1,000,” ani DOLE Secretary Silvestre Bello III .

Ayon kay Bello, ang Slovenia at ang Philippines ay dapat na magkasundo muna sa mga probisyon at template contracts, gayundin ang paglalagda ng bilateral agreement.

Ang buong proseso ay aabutin ng tatlong buwan.

Ang mga job opportunities ay kinabibilangan ng mga health care workers, nurses, engineers, truck drivers, heavy machine and equipment operators, at household service workers.

Ang mga requirements at mga oportunidad ay isasapinal oras na matapos na ang kasunduan.

Bagama’t ang English-proficiency ay isa sa mga requirements.

“Sa ngayon, wala pa tayong mga job order para sa Slovenia dahil dadaan pa ito sa proseso. Inaabisuhan namin ang publiko na hintayin ang pormal na anunsyo na magsisimula na ang pagtanggap ng aplikasyon,” paalala ni Bello sa mga interesadong manggagawa.

“Mag-ingat at magtungo muna sa DOLE o sa POEA upang matiyak ang pagiging lehitimo ng inyong mga recruitment agency at job order na kanilang inaalok. Ang ibang mga ahensya ay patuloy pa rin sa kanilang operasyon kahit pa sila ay suspendido,” dagdag pa niya.

Isang technical working group ang hahawak sa negosasyon sa probisyon at magtitiyak sa proteksiyon at kaligtasan ng mga manggagawa ang bubuuin.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *