Pinas magpapadala ng rescuers sa Japan—Bong Go

Ibinulgar ni Senador Bong Go na handa ang Pilipinas na mag-deploy ng Army troops kasama ang disaster response teams ng Davao at iba pang emergency responders upang tumulong sa mga biktima ng kalamidad sa Japan.

Ipinarating ni Go ang alok na tulong kay Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda sa pamamagitan ng sulat isang linggo matapos ang pananalasa ng Typhoon Hagibis na pumatay ng 83 katao.

“As instructed by President Rodrigo Roa Duterte, I would like to convey the Philippines’ readiness to provide assistance to the Government of Japan,” saad ni Go sa kanyang sulat.

“Our first responders including those from the Armed Forces of the Philippines, Davao City Risk Reduction and Management Council – Response Cluster Team and other Philippine relief organizations stand ready for deployment to help in your disaster relief and recovery efforts,” diin pa nito.

Ang Japan ang isa sa top source ng development assistance funds ng Pilipinas at ikalawa sa pinakamalaking trading partner ng Metro Manila kasunod ng Beijing.

Sa huling impormasyon, nasa 100,000 rescuers na ang nagtutulong upang agad maibalik ang kaayusan sa Japan partikular sa Tokyo.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *