Palasyo: Biyahe ni Duterte sa Japan pinutol dahil sa sumasakit na spinal column

Pinutol ni President Rodrigo Duterte ang trip sa Japan at nakatakda na itong bumalik sa Pilipinas dahil sa hindi na nakakayanang sakit sa kanyang likod matapos itong sumemplang sa motorsiklo noong nakaraang linggo, ayon sa Malacañang nitong Martes.

Ito ay ibinunyag ng spokesman ni Duterte na si Salvador Panelo ang nasabing development matapos dumalo ni Duterte sa enthronement ceremony para kay Emperor Naruhito ng Japan sa Tokyo nitong Martes ng hapon.

Si Duterte ay umalis sa kanyang hometown sa Davao City noong Lunes ng gabi.

Dumating siya sa Tokyo umaga ng Martes at nakatakda sana itong bumalik ng Pilipinas a Miyerkoles.

“The Palace announces that the President will cut short his trip to Japan due to unbearable pain in his spinal column near the pelvic bone as a consequence of his fall during his motorcycle ride last Wednesday, October 16,” ani Panelo.

Sinabi ni Panelo na si Duterte ay babalik ng bansa ngayong Martes ng gabi at magpapatingin sa kanyang neurologist sa Miyerkoles.

Bilang resulta, hindi na makakadalo ang Presidente sa Emperor’s banquet Martes ng gabi sa Imperial Palace at nakiusap na ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang kakatawan sa kanya at dadalo para sa kanya, ayon kay Panelo.

Gayunpaman, pipilitin ni Duterte na dumalo sa enthronement ceremony bagamat gagamit siya ng tungkod “to assist him in his walk,” pahayag ni Panelo.

“While this was unforeseeable, the public can rest assured that there is nothing to worry as regards the physical health and condition of the President as he gives serious priority thereto in actively serving our country,” dagdag pa ng spokeman ni Duterte.

Noong nakaraang nahulog si Duterte sa kanyang motorcycle sa loob ng Malacañang complex na nagresulta ng minor injury, partikular mga galos at slight scratches, sa kanyang siko at tuhod.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *