Naaagnas na bangkay ng lalaki natagpuan sa Quezon

Pinaniniwalaang biktima na naman ng summary ang natagpuan bangkay ng isang lalaki sa palayan sa tabi ng eco-tourism road sakop ng bayan ng Sariaya, Quezon noong Lunes.

Ang bangkay ay unti-unti na umanong naagnas nang matagpuan sa Barangay Bignay 2 bandang als-10:55 ng umaga nitong Lunes, ayon sa pulisya.

Sa deskripsyon ng pulisya, ang biktima ay may edad na 30-40, 5’6” ang taas, medium built, may suot na multi-colored beach short at brown t-shirt na may white/green sando na printed “LUDHMC fun run”.

Narekober ng imbestigador ang dalawang basiyo ng bala mula sa kalibre .45 sa tabi ng bangkay.

Ang naturang bahagi ng 24 kilometrong eco-tourism highway mula sa Lucena City hanggang San Juan, Batangas ay nagiging tapunan ng mga hinihinalang biktima ng salvage.

Nitong unang parte ng buwan ay dalawang bangkay na parehong lalaki ang natagpuan din sa nasabing lugar sa magkahiwalay na araw.

Ang mga bangkay ay parehong may tama ng baril sa ulo at katawan.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *