Lalaking tinakbuhan ng nobya, nabundol patay

Patay ang isang lalaki sa Iloilo City matapos mahagip ng pick-up truck sa gitna ng kalsada habang naglalakad na tulala kasunod na layasan ito ng kanyang nobya.

Kinilala ang biktimang si Demetrio Mationg, nasa hustong gulang at residente ng Luna St., La Paz, Iloilo City.

Ayon sa ulat ng Traffic Accident Investigator ng Iloilo City Police Office, naganap ang insidente sa nasabing lugar nang mabundol ng pick-up ang biktima na naging dahilan ng kamatayan nito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang insidente plano na umano ng biktima na magpakamatay matapos takbuhan ng kasintahan at tinangay ang pera nito at motorsiklo.

Nagkasundo naman ang pamilya ng biktima na hindi na magsasampa ng kaso sa driver ng pick-up kapalit ng pagbibigay nito ng pinansyal.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *