5-anyos na batang babae nalunod habang naliligo sa ilog

Nalunod ang 5-anyos na batang babae habang naliligo sa ilog kasama ang kanyang kuya sa lalawigan ng La Union.

Kinilala ang biktimang si Jennifer Torres, residente ng Barangay Parian Este, Bauang La Union.

Napag-alaman sa Bauang Police, nagtungo umano ang biktima kasama ang kuya nito na si Jimmy Torres, 15, para maligo sa ilog.

Subalit, habang nagliligo ang magkapatid, napansin ni Jimmy na walang imik si Jennifer hanggang sa napansin niyang wala na ito sa kanyang tabi.

Nakita na lamang nitong nalulunod ito sa malalim na bahagi ng ilog kaya humingi siya ng tulong para iahon ang biktima.

Dinala pa sa ospital ang biktima pero hindi na rin umabot pang buhay.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *