19 Filipinos sugatan sa road accident sa Italy

Labingsiyam na Filipinos ang sugatan sa naganap na aksidente sa isang public transportation vehicle sa Via Cassia, north ng Rome noong nakaraang linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs nitong Martes.

Ayon sa DFA, kinilala at nakuha ang mga contact details ng Philippine embassy ng Filipinos matapos na maaksidente nitong Oktubre 16.

Wala namang nasa critical condition, ayon sa DFA.

Ang mga Filipinos na nagrereklamo ng muscle trauma, ay agad na pinagkalooban ng medical attention.

Ang tatlo sa kanila ay nagtamo ng sugat sa noo at ang dalawa ay nagkaroon ng bali sa balikat at paa.

“According to doctors who evaluated the Filipinos, no one was critically injured,” anang DFA.

“The embassy will continue to coordinate with Italian authorities, as the conduct of investigation to determine the cause of the accident is still in progress.”

Ayon sa mga Philippine officials sa Rome na nakahanda sila na bigyan ng mga karagdagang tulong ang mga Filipino kung kinakailangan.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *