Pagbabawalang-bahala ng Palasyo sa traffic problem, binatikos ng solon

Binatikos ng isang mambabatas ang pagwawalang bahala ng Malacanang sa dinaranas na problema sa trapiko sa metro Manila.

Ayon kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, nakakawala na umano ng dignidad at di na makatao sa mga commuters sa Metro Manila ang problema sa trapiko na tila ipinagwawalang bahala lang ng Palasyo ng Malacanang.

Ang pahayag ay ginawa ni Elago bilang reaksyon sa sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na wala pang traffic crisis dahil nakakarating naman umano ang mga ito sa kanilang patutunguhan.

“Pag pauwi, papahupain muna rush-hour traffic para iwas siksik, sabit, minsan tulakan. Tiis lang dahil kailangan rin nilang makauwi, magpahinga. ‘Di na lang usapin ng disiplina, diskarte, at pasensya, kundi ng sistemang ‘di makatao, sayang sa produktibidad, nakawawala ng dignidad,” ani Elago.

Hindi rin nagustuhan ng mambabatas ang payo ni Panelo sa mga commuters na umalis ng maaga sa kanilang bahay upang hindi malate ang mga ito sa kanilang trabaho.

Ayon sa mambabatas,matagal na aniyang ginagawa ito ng mga commuters dahil madilim pa lamang ay marami ng tao sa kalsada na nag-aabang ng masasakyan na dagdag na sakripisyo sa kanila.

Samantala, sinabi naman kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, bumababa ang kalidad ng pamumuhay sa Metro Manila dahil sa problema ng trapiko at nawawalan na ang mga tao ng oras sa kanilang pamilya.

“One may leave earlier to arrive early. But for the typical working Metro Manila resident, that translates to less time for family, home & rest; because after dismissal from work, he/she will go home late because of the state of transportation,” ayon kay Biazon.

“Quality of life continues to suffer,” ayon pa kay Biazon .

Idinagdag pa nito dapat aniyang bigyan ng ibayong atensyon ang problemang ito dahil lahat na ng mga tao ay apektado kasama na ang mga bata na dahil nawawalan na ng oras sa kanila ang kanilang mga magulang.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *