Estudyante nakuryente sa poste ng traffic light, dedo

Nangisay ang isang Gade 12 student na lalaki makaraan sumabit ang paa nito sa poste ng traffic light sa kasagsagan ng buhos ng ulan nitong Martes sa Davao City.

Ang biktima ay kinilalang si Florence Allen Barrios Siarot, 18-anyos, estudiyante sa Rizal Memorial Colleges (RMC) at nakatira sa Avocado St., Don Mercedes, Purok 2, Panacan.

Ayon sa ulat ng Sasa Police station, dakong ala 1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa bahagi ng Panacan, ng naturang lungsod.

Sa isinagawang imbestigasyon,at pauwi na sana ang biktima nang sumabit ang paa nito sa poste ng traffic light, dahilan para makuryente na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Paniwala ng mga awtoridad, posibleng grounded ang linya ng kuryente ng poste at basa rin ang kalsada na naging sanhi ng aksidente.

Please follow and like us:

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *